![]() |
| my first ever logo |
How to start an Online Store tips and tricks!
1. Do some research. Kilalanin kung sino ang nasa Marketplace. Ano ano ba yung mga gusto ng mga tao ngayon, ano ba ang uso?
2. Know thy enemies. Si ganitong store ano ba ang tinda nya? Si ganitong store magkano ba ang price nitong item na to? Si ganitong store, marami bang bumibili ng ganitong product sa Online Store niya?
3. Search for Suppliers. Saan ka ba malapit? Sa Divisoria? Sa Baclaran? Sa Quiapo? Ano ano ba ang mga paninda dun? Ask how much and wholesale at retail ng items nila. Then ask for their calling cards. Usually, they have calling cards handy!
4.Create a Facebook account or Page. I suggest you create a Facebook account for your Online Store and wag gamitin ang personal account sa pagtitinda. Privacy mo na yun eh. Mas okay din ang Facebook account kase makeep track mo yung notifications and messages unlike sa Fan Page, magdedepend ka lang sa mga nalike sa Page mo diba?
5. Money. Where are you going to get the money??
Nagstart ako with 1 thousand pesos as capital for my Online Store. Ang name ng online store ko is Gingerbread Store.. Bakit? Kase yang account na yan ay ginagamit kong pang gift sa farmville, ninja saga, etc.. and wala ng choice na palitan. so there.First product ko is yung recyclable wallets for 200 pesos. I guess nag flop siya kase hanggang ngayon may 3 pa kong natitira. Second product ko is growing grasshead. Diyan talaga buhay na buhay na! Then after ng return of investment, add pa ako ng mga products.. like lava lamps, magic eggs, tops, wedges.. at marami pang iba!
Ngayon, nagsstart ka palang, wala kang friends. Add ka ng mga Online stores kase from their, makakakuha ka din ng buyers. Before, add ako ng add, (actually, as of this writing, blocked ako to PM and add accounts. lol).
On Emotions: Sa umpisa, depressing, kasi parang walang pumapansin sayo. Non-existent ka sa Marketplace. Patience talaga. Balde baldeng patience! Andun yung feeling na, wala man lang tumitingin ng albums ng paninda mo. Pag nakikita mo yung ibang store, marami na silang proofs na legit silang online seller, samantalang ako ni isa wala.
3rd day ng pag aantay, nagpost ako na im going to divi sino magpapasabay, si ClickMart (Online Store), nagpasabay ng plastic, and from there, siya ang unang unang Online Buyer ko.
Dumaan din ako sa mapagkamalang scammer dahil sa murang paninda. Dumaan din ako sa, may nag aask kung legit seller ako Online pero ni isa wala man lang nag sabi na "Yes" legit yan.. Nakakfrustrate, yes, pero dadaan lahat sa ganyan.
![]() |
| my latest logo |
Yung 1 thousand pesos kong puhunan ay napalitan ng 13 thousand pesos na kita. Yes. Tama po ang nabasa ninyo. Nung una makaipon lang para sa Davao, pero ngayon, Online Store na talaga, and YES! Legit talaga.
Now, i dont need to add friends anymore, they add me na! I dont need to send a message to someone telling them na you have what they need, kase sila mismo ang mag sesend ng message, and take note, mura na tatawad pa!
Here's what i have: 1k + sipag + patience = GingerBread Online Store.


No comments:
Post a Comment