Sunday, February 26, 2012

Si Dora with 2012 Pyrolympics

After work, I went to Mall Of Asia for meet ups. Yung buyer ko kase ng Melissa Wedge gusto sa MOA ang meet ups. Okay fine, around 6:30pm na yata ako dumating! Lol.
So after ng meet ups namin, naglakad lakad muna ko hanggang sa dulo nakita ko super daming tao! Pagkatingin ko my Pyrolympics pala! Buti nalang dala ko si Dora ngayon, Naisip ko nalang na gamitin siya.

So i paid 100 pesos for SILVER na option. Sabi ko pwede na to kesa wala diba. So more wait pa, ang dami ng taong nakasalampak sa kalsada lol. Nakakainis kase walang mabilhan ng yosi! Lumabas pa ko tapos dumerecho sa seaside para lang makabili.

After 1 hour, around 8:00pm na nagstart yung Pyrolympics. Finland vs Portugal. Ang ganda ng fireworks, sobrang amazing talaga! Mas maganda pa yata yung kuha ko sa iphone kesa kay Dora! Ang hirap palang gamitin nun, jusmio! Inikot ikot ko yung mga settings, ni wala yata akong nakuhaang maganda! :(

Kainis talaga! Wala akong makuhang magandang shots. Di bale, eventually matututo din naman ako nito!
15 minutes yung tinagal ng fireworks, tapos umalis na ako.Nakakaboring pala manuod mag isa!

No comments:

Post a Comment